Ang eksibisyong ito ay ukol sa buhay at pagka-bayani ni Apolinario de la Cruz, mas kilala sa tawag na Hermano Puli, at ang mundong kanyang ginalawan. Itinatampok sa pagtatanghal na ito ang pagkakatatag ng isang kapatiran na tinawag na Cofradia de San Jose ng isang payak na binatilyo mula sa Probinsya ng Tayabas at ang pakikipaglaban para sa karapatang kilalanin at makapaglingkod sa Diyos at sa Simbahan. Ang mga pangyayaring ito na nakatitik sa mga dokumentong mula sa kolekyon ng Pambansang Sinupan ng Pilipinas ay masasalamin sa mga lumang gamit at mga likhang sining mula sa Panahon ng mga Kastila na nasa pangangalaga ng AERA Foundation na pinamumunuan ni G. Conrado Escudero.

Isang malalim na pagtalakay sa buhay at kamatayan ni Hermano Puli at ng isa sa mga pinakamalaking pag-aaklas sa kasaysayan ng Katagalugan na sumaling sa pagnanasang maging malaya ng ating Bayan. Ang eksibisyong ito ay inilunsad noon ika-15 ng Marso, 2017 at kasalukuyang nakatanghal sa Museo ng Villa Escudero na matatagpuan sa Villa Escudero Plantations and Resort sa Tiaong, Probinsya ng Quezon.

Exhibit Title: COFRADIA/KOMUNIDAD: THE WORLD EMBRACED BY HERMANO PULI
Venue: Villa Escudero Museum, Villa Escudero Plantations and Resort, Tiaong, Quezon Province
Duration:  March 15, 2017 – Permanent Exhibit

EXHIBIT SECTION TEXTS

EXHIBIT SETUP IMAGES

EXHIBIT OPENING IMAGES