Panimula

Itinatanghal sa eksibisyon na ito ang kasaysayan ni Apolinario de la Cruz na nabuhay noong ika 19 na dantaon. Siya ay naging bantog sa bansag na Hermano Puli. Kinilala siya sa kanyang pagtatag ng Cofradia de San Jose. Ito ay isang kapatiran na sa katagalan ay lumaban sa pamahalaang kolonyal ng mga Kastila. Ang mga pangyayari na isinasalaysay dito ay naganap sa Timog Katagalugan, lalong lalo na sa mga bayan ng Lukban, Sariaya, at Tayabas sa probinsya ng Quezon, at Majayjay sa Laguna.

Hangarin ng eksibit na ipamalas ang ugnayan nina Puli at ng mga sagradong larawan at istatwa na mlimit nilang nakikita at dinadasalan. Maari na ang mga banal na imahen na ito ang nagsilbing inspirasyon at nagdulot ng linaw sa mga nagaganap sa buhay ng marami.

Nabibigyan daan din dito ang inter-aksyon ng mga dokumento ng National Archives of the Philippines at ng mga bagay sa koleksiyon ng Pamilyang Escudero. Maaring itaya na ang ilan sa mga nakatanghal na gamit ay ang mga mismong nakasalamuha ng mga kapisan ng Cofradia. Ang ibang gamit naman, kahit mula sa ibang lugar at panahon, ay nakapag-aambag pa rin sa pagbuo sa hugis at kulay ng daigdig ni Hermano Puli.

Higit na sisigla kaya ang kasaysayan ni Puli kapag susuriin hindi lamang ang mga dokumento kundi pati na rin ang mga likhang sining mula sa kanyang panahon at mundo?

 

Introduction

This exhibit recounts the story of Apolinario de la Cruz who lived in the 19th century. He was better known by the moniker, Hermano Puli. He was known for having founded the Cofradia de San Jose. This group eventually fought against the Spanish Colonial government. What is related here took place in the Southern Tagalog region, especially in the towns of Lucban, Tayabas, and Sariaya in the province of Quezon (formerly Tayabas) and Majayjay in Laguna.

 The exhibit aims to show the relation between the members of Puli’s group and the sacred pictures and statues which they often saw and prayed to. These images very likely served as sources of inspiration and justifications for their actions.

 Also given free reign here is the inter-action between the records of the National Archives of the Philippines and the articles in the collection of the Escudero Family. One may suggest that some of the displayed items may actually have been in the presence of the Cofradia members. Other items, though from another time and from other places, may still contribute to the re-construction of the form and color of Puli’s world.

 Will the history of Puli come more alive if studies include not only pertinent documents but also works of art?

 

Pagbibinyag

Hindi pa rin matiyak ang petsa nang pagsilang ni Hermano Puli. Pinagpipilian ang ika 22 at 23 ng Hulyo, samantalang 1814 o 1815 ang taon. Kabilang sa mga naging ugat ng pagkawalang katiyakan ay ang pagsunog ng sinupan pangsimbahan ng bayan ng Lukban kasama ang mga talaan ng kapanganakan ni Puli.

May nagsasabing ang pagsunog ay isa lamang sa mga suliranin sa pag- aral kay Puli. Problema rin daw na marami sa mga may-akda ng mga pahayag tungkol sa Cofradia de San Jose ay mga Kastila. Maaring may galit ang mga ito sa kanilang mga tinataguriang “rebelde” o di kaya “erehe”, kaya nagkaroon ng ibang kulay ang mga salaysay.

Ang hindi maitatatwa ay ang si Puli ay pinanganak sa Lukban, isang bayan sa kandungan ng Bundok ng Banahaw. Malamang na bininyagan siya sa harap mismo ng marikit na retablo na matatagpuan sa eksibisyon.

Buo pa nuon ang mga gubat. At di-mabilang ang mga batis, mga talon at mga bukal. Marami sa mga ito kasama ang ibang yungib ay, hanggang ngayon, tinuturing pa rin bilang mga banal na pook.

 

Baptism

The dates of Hermano Puli’s birth are still being disputed. He may have been born on July 22 or 23, 1814 or 1815. One of the roots of uncertainty is the burning of the church archives of Lucban which included Puli’s baptismal records.

 The fire may be just one problem in the study of Puli. Most reports on the Cofradia were written by Spaniards. It is possible that what they wrote may have been colored by their grievances against the man they labled “rebel” or even “heretic”.

 What cannot be denied is that Puli was born in Lucban, a town in the lap of Mount Banahaw. It is likely that he was baptized in the front of the very same retablo on exhibit.

The forests would have still been intact then. Streams, waterfalls, and springs would have been everywhere. These along with certain caves are still considered sacred today.

 

Pag-akyat sa Bundok

Kapag nais ng mga taong lumisan mula sa mga may kapangyarihan, malimit na sila ay umaakyat sa kabundukan. Kahit si Puli ay sa mga libis ng bulkan ng Banahaw sumilong at nagpatayo ng kampo upang maging ligtas sa kanyang mga kalaban.

Sa bundok, wala ang mapaghusga na madla. Mga hayop lamang at ibon ang mga tanging gabay.

Tahimik dito maaring makatatagpo ng puwang upang makapag-isip. Malayo ang maaabot ng pananaw.

Maari kaya na may mga Kastila na umakyat din sa rukrukan ng bundok upang lalong mapagmasdan ang lapad ng kanilang aangkinin?

 

Climbing the Mountain

When anyone wanted to escape the clutches of the powers- that-be, they often headed for the mountains. Even Puli took refuge on the slopes of Banahaw. Here he set up his camp away from his enemies.

 On the mountain, no one was around to pass judgment. Only the animals and birds could act as one’s guide.

 There is silence, creating space to think. One’s vision could cover great distances.

 Could the Spaniards also have climbed a peak to survey the extent of what they were acquiring?

 

Lakaran

Marami ang mga lakaran na naganap sa buong kapuluan sa kabilugan ng panahon. May mga lumakbay upang maghanap ng makakakain o makipag-angkat. May naghahanap ng lupang isasaka.

Ano pa kaya ang mga ibang pakay sa pagluwas? Mayroon bang may gustong masilayan ang ibang mga lugar at makakilala ng ibang mga tao?

Kabilang ang mga Kastila sa pag-ikot. Nais nilang makilatis ang mga isla na kanilang kinakamkam. Nais nilang mabigyan ng pangalan ang bawat burol at bawat lagak. Sa ganitong paraan, kanilang siniguro ang kanilang pagsasakop.

Napakamahalaga kay Hermano Puli ang mga lakaran. Inatasan nya ang kanyang mga kasapi na tumungo sa iba’t ibang pook kahit masukal at mapanganib ang daan. Inatasan ni Puli na sila ay mag alay at magdasal sa mga santong patron ng mga bayan. At sila din ay makipagkilala sa mga bagong kaibigan. Sa ganitong paraan naman nadagdagan ang mga kapisan ng Cofradia.

Ano kaya ang mga sumalubong sa mga lumalakad? Ano ang kanilang dinala sa kanilang paglakbay?

May mga inukit na kahoy na hugis tao?

May salakot na pang laban sa init ng araw?

May mga paro-paro?

May buslong panghuli ng isda?

May bayawak na biglang sumusulpot?

May mga bakya?

Sino kaya ang makatatagpo ng mga ito habang umiikot?

 

Journeys

There would have been many journeys undertaken on foot throughout the archipelago. There were those who would have gone in search of food or commerce. There were those who sought new farm land.

 What else could have driven people to venture out?

 The Spanish were among those who went on these marches. They desired to understand the islands which they would purloin. They were itching to name every hill and valley. In this way, they were consolidating their possession.

 Journeys on foot were essential for Hermano Puli. He would order his companions to go to different places even if the way was full of peril. They were to go out and pray to patron saints of different towns and they were to make new friends. More members were then added to the Cofradia.

 What would have they encountered? What would have they taken with them?

 Would they have seen carved human figures?

 Or a salakot to shield one from the sun?

 Or butterflies?

 Would a lizard have appeared from out of nowhere?

 Would there have been wooden clogs?

 Who would come across these things while travelling about?

 

Paghubog sa Lupa

Sa pagliliwaliw ng mga Kastila, unti-unting nakilala nila ang anyo ng mga lupa at tao na kanilang inaangkin. Dahil sa kaalaman na kanilang nalikom, nakasulat sila ng mga pahayag na ipinadala sa Espanya. Nakabuo sila ng mga listahan at census. At nakalikha sila ng mga mapa. Ang lahat na mga ito ay naging kasangkapan sa pananakop. Ang mga ito ang naging batayan sa pag-ayos ng mga plano para sa mga itatayo ng mga Kastila.

Nagbago ang anyo ng lupa. Ang mga ilog ay nagkaroon ng tulay. Ang mga dalampasigan ay nagkakuta. Umusbong sa mga patag at kahit sa mga bundok ang mga bagong bayan na may magagarang gusali: mga simbahan, mga bahay pamahalaan, mga tahanang yari sa bato, lahat konektado ng mga kalye.

Ano kaya ang pagtingin ng mga sinakop sa mga itinatag ng mananakop? Namangha ba sila? Ginaya ba nila ang kanilang nakita? At sa kanilang paggaya, ano naman ang naging kalabasan?

 

Forming the Land

 In the meanderings of the Spaniards, they came to know the land and people they had acquired. Due to information they had gathered, they were able to make reports which were sent back to Spain. They were able to compile lists and census. And they were able to fashion maps.

 All these became instruments of empire. All these were used as the basis of plans for what the foreigners were to build.

 The land began to change. Rivers came to have bridges. Beaches were burdened with forts. On the plains and even on the mountains, towns sprung up filled with great buildings: churches, government offices, houses of stone – all connected by roads.

 What did the colonized think of what the colonizers built? Will they copy what they saw? And what would come of these?

  

Retablo ng Pagbabago

May mga bagong patakaran na ipinairal ang mga dayuhan. Isa na dito ay ang kakaibang pananampalataya. Natambad sa mga mamamayan ang imahen ng bagong mukha ng dios, lulan ng mga larawan na karaniwang nakalimbag sa papel. Namalasan na ang bagong dios ay may tatlong anyo: ama, anak, at banal na espirito. Siya din ay may pamilya. Marami ang katimbang na mga santo at mga anghel. Batay sa imahen sa papel umukit ng mga istatwa at nagpinta ng mga kwadro.

Naintindihan ba ng mga tao ang lahat na tinuturo ng mga dayuhan?

Nagkaroon din ng mga pagbabago sa pamamahala tulad ng mga bagong buwis. Kabilang din ang mga atas katulad ng pagbigay ng mga limitasyon sa pag-alaga ng kalabaw. At kabilang din ang pagpilit sa mga tao na gumamit ng ikalawang pangalan. Magiging bunga nito ang paglabas ni Gobernador Claveria noong 1849 ng opisyal na listahan ng mga pangalan.

Marami sa listahan na ito ang mga pangalan ng mga dayuhang santo. Makikita sa mga talaan na bago pa man pinalaganap ang utos ni Claveria, sumusunod na ang mga taga-Cofradia: Apolinario de la Cruz, Isidro de la Rosa.

Mahirap ang buhay sa ilalim ng mga mananakop. Walang patakarang kolonyal na hindi nagdadala ng karahasan.

 

Retablo of Change

The foreigners would institute new systems. One of these was a new form of worship. The people would see the face of the new god, rendered in pictures presented on paper.

 They would learn that the new god had three forms: father, son and holy spirit. He had family. Numerous were the members of his retinue: saints, angels. From the images on paper, statues and paintings were made.

 Did the people understand what the foreigners were preaching?

 There were changes in governance, new taxes. There were also new rules such as those that limited the breeding of carabaos.

 There was a move to force everyone to start using first and last names. This would result in Governor Claveria’s releasing a list of allowable surnames in 1849.

 Many of the names on this list were that of saints. It may be seen from the records that, early on, the Cofradia members had complied with the decree – Apolinario De la Cruz, Isidro De la Rosa.

 

was tough under the colonizers. There were many constraints on what one could do. No colonial system could function without violence.

 

Panibagong Palakad

Kasabay ng bagong pamamalakad ng mga mananakop ang pag-iral ng mga bukod-tanging lakaran. Sa halip na pagbibisita sa ibat-ibang pamayanan o paglakbay patungo sa mga malalayong lugar, naging limitado ang espasyo na maiikutan.

 

May isang uri ng lakaran na idinadaos sa loob ng simbahan. Ito ang pagviacrucis kung saan ang mga deboto ay palipat-lipat sa harap ng 14 na kwadro na naglalarawan ng hirap na dinaanan ni Kristo nang siya ay papatayin.

 

Maari din ituring na isa pang uri ng lakaran ang prusisyon. Binubuo ito ng mga tao na sumasabay sa mga carosa na lulan ang mga sagradong imahen habang lumilibot sa mga kalsada ng poblasyon. At mayroon pa ngang kasabihan na gaano man kahaba ang prusisyon, sa simbahan pa rin ang katapusan.

 

Maaaninag sa kasabihan na ang prusisyon at marahil pati na rin ang pagviacrucis ay mga lakaran na nasa ilalim ng kapangyarihan ng simbahan. Ang mga ito ay di-tulad ng mas malayang lakaran nina Puli.

 

Ano kaya ang mga sumalubong sa mga lumalakad? Ano ang kanilang dinala sa kanilang paglakbay?

May estatwa kaya nina San Francisco at Santo Domingo?

 

May rostrillo na nakakabit sa ulo ng Mahal na Birhen, sagisag ng liwanag ng kanyang kalualhatian?

 

May sacra na may disenyong ng mga kerubin – mga anghel na may ulo at pakpak ngunit walang katawan.  

May escapolaryo ni San Rafael, arcangel na may hawak na isda?

May estatwa ni San Miguel na nakaapak sa mala-ahas na demonyo

 

At may relieve ba ng Pagdalaw ng Birhen sa kay Santa Isabela kung saan ang lahat ay nakasuot ng pangyapak na nakatatawag-pansin?

 

Sino naman ang makatutuklas ng mga ito habang umiikot?

 

New Journeys

With the changes in governance came different styles of undertaking journeys. These were different from those of the past where people went from town to town and to faraway places. The space for moving about were now constricted.

 

One kind of journey was the Stations of the Cross which was performed inside the church. Devotees completed a circuit around fourteen different frames illustrating the Passion of Christ.

 

Then there were the processions. These consisted of people accompanying floats carrying sacred images around certain streets of the town proper. There was even a saying that no matter how long the procession, it’s ending was sure to be the church.

 

It can be gleaned that the procession and even the stations of the cross were journeys that were controlled by the church. They were different from the free-flowing marches of Puli.

 

What would have they encountered? What would have they taken with them?

 

Would they have seen statues of Saint Francis and Saint Dominic?

 

Or a silver circle around the face of the Virgin?

 

Or frames with the design of cherubs, winged angels with a head but no body?

 

Or a scapular of Saint Raphael, an archangel holding up a fish?

 

Was there a statue of Saint Michael stepping on a snake-like devil?

 

Or a relief of the Virgin visiting Saint Anne with all the figures wearing clogs?

 

Who would come upon these things while travelling about?

 

Kakaibang mga Titik

Nuong unang panahon may mga katutubong pagsulat na ginagamit sa kapuluan. Sa halip ng mga ito, pinasok ng mga dayuhan ang kanilang sariling sistema na binubuo ng kakaibang mga titik. Nasapawan ang mga dating pagsulat at ang mga ito ay halos nakalimutan.

 

Lumaganap din ang mga bagong bagay na mababasa tulad ng mga dokumento. Maidadagdag pa rito ang mga nakalathala: mga aklat, mga biblia at kahit mga pahayagan.

 

Hindi lamang tinta ang ginagamit sa pagsulat. Nagkakaroon din ng mga titik na nakapinta, nakaukit, nakaburda o di kaya nakatalyada.

 

Hindi naman lahat ng tao ay natuto sumulat. At maari pa nga itanong: lagi bang nauunawaan ng mga nakakapagbasa ang lahat na kanilang nababasa?

 

New Writing

In the past, there were indigenous forms of writing in use in the archipelago. The Spanish brought their own system that was made of strange letters. Soon this system would supplant the native ones. There were new things to read such as documents. To these may be added printed material like books, bibles and even printed materials.

 

It was not only ink that was used for writing. Letters could also be carved, painted, embroidered or even engraved.

 

Not all people learned how to write. One may even ask: did everyone who could read understand what they had read?

 

Huwaran ng Pag-alay

Malaking bahagi ng daigdig na ginagalawan ni Puli at ng kanyang mga kapisan ang mga banal na imahen ng mga santo. Ang mga ito ay matatagpuan sa mga pachada at mga retablo ng mga simbahan. Maari din matagpuan ang mga ito sa mga altar pang-tahanan.

Ibat-iba ang kanilang mga porma at katangian. Ngunit malimit na ang mga pigura ng mga santo ay nagpapamalas ng mga tanda ng karahasan. May akay-akay ang mga sibat na tumuhog sa kanya, may nangangayayat sa gutom, may binulag. Kahit si Kristo ay pinapakitang duguan, samantalang tumatagaktak naman ang luha ng kanyang ina. Malinaw na katimbang ng kabanalan ang paghihirap.

 

Ang mga sagrado na imahen ay hinaharap sa madla bilang mga huwaran sa pag-alay nang sarili. Dito rin marahil natuto ang mga taong magtiis sa kahirapan na kanilang nararanasan.

 

Dahil sa hirap ng buhay, isa sa naging layunin ng Cofradia ang tumulong sa mga kasapi. Marahil isa na rin sa mga layunin ni Puli sa paglaban sa mga otoridad ang magkaroon ng pagbabago upang lahat ay mabibigyan ng kaginhawahan.

 

Models of Sacrifice

Sacred images were a big part of the world of Puli and his friends. These were seen on church facades, retablos, and home altars.

 

The images came in different forms. They often bore the marks of violence. There was one that carried the spears on which he was skewered. There were those who were thin from hunger or blinded. Even Christ was bloodied while his mother wept. Clearly hardship was the partner of holiness.

 

These images were held up to the crowd as models of self-sacrifice. This may have helped people to accept their troubles.

 

As life was so difficult, it was one of the Cofradia’s goals to help its members. Perhaps Puli’s reason for fighting the Spaniards was to bring about change and give people a better life.

 

 

Paghubog kay Puli

Mula sa kamusmusan sa laylayan ng Banahaw, si Puli ay lumuwas, patungong Maynila. Dito pumasok siya sa Ospital ng San Juan de Dios bilang tagapaglingkod.

 

Sa Ospital marahil nagdagdagan ang kanyang kaalaman hinggil sa pananampalatayang Katoliko. Dito rin niya kinatam ang kanyang pagiging marubdob na tagapagsalita, isang katangian na malamang ay makatutulong sa kanya sa mga dadating na taon.

 

Sa mga panahon din na ito itinatag ni Puli ang Cofradia de San Jose.

 

Agad matitiyak na may debosyon si Puli sa kay San Jose. Dahil ang ika-19 ng Marso ang pista ni San Jose, pinili niya ang ika-19 para sa buwanang pagtipon ng Cofradia. Mayroon din syang debosyon sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario at sa pagrorosaryo.

 

Mahalaga rin kay Puli ang Sagradang Pamilya. At mahalaga rin sa kanya ang tuloy-tuloy na pagbibigay alay sa mga santo sa kanilang mga nakatakdang pista. Kasama sa mga santo at bayan na dinadalaw ni Puli at ng kanyang samahan ang Birhen sa Antipolo, San Gregorio Magno at Birhen ng Porteria sa Majayjay at marami pang iba.

 

Shaping Puli

From his childhood on the slopes of Banahaw, Puli would venture out to Manila. Here he entered the Hospital of Saint John of God as a staff member.

 

At the hospital, he learned more about Catholicism. And he polished his preaching skills. This was to serve him well later in life.

 

It was at this time that he founded the Cofradia de San Jose. Clearly he was devoted to Saint Joseph. Since the saint’s feast day fell on March 19, Puli chose the 19th of each month for the Cofradia’s regular meetings.

 

The Holy Family was also important to Puli. And just as important was the honoring of various saints on their feast days. Among the patrons and towns he and his group visited was the Virgin of Antipolo as well as Saint Gregory the Great and Our Lady of the Porteria in Majayjay.

 

Pagbuo ng Kapatiran

Tinuturo ni Puli ang pagiging matulungin sa isa’t isa. Tuwing araw ng pagpupulong ng samahan lahat ay nakikibahagi sa isang salu-salo pagkatapos nang pagtirik ng mga kandila, pagrorosaryo, at iba pang ritwal. Sa salu-salo naghahalubilo ang lalaki at babae, bata at matanda.

 

Sa kay Puli, ang Cofradia ay katulad ng isang barko. Dahil sa gabay ng kanyang pinuno, ito ay nakalalayag nang ligtas kahit madilim ang langit at mapanganib ang dagat.

 

Ang mga kapisan ay binibigyan ng mga escapolaryo at mga dasal bilang palantandaan ng pagiging kasapi ng Cofradia. Nagkakaroon din sila ng ibat ibang uri ng anting-anting bilang proteksyon sa mga masasamang puwersa.

 

May mga anting anting na likha sa mga pinagtagpi-tagpi na mga larawan at titik ng mga libro ng simbahan. May mga bato din na may sulat o di kaya maliit na garapon na may mga tuyong dahon.

 

Hindi nauunawaan ang mga ito ng karaniwang tao.

 

Strengthening Fellowship

Puli taught the importance of helping one another. At the end of the Cofradia meetings, everyone partook of a communal meal where men mixed with women, the youth with the old.

 

He taught that the Cofradia was like the boat. With the guidance of its leader at the helm, it was able to weather storms at sea.

 

Members were given scapulars and prayer books as marks of being part of the Cofradia. Members also had talismans to guard against evil forces. These talismans were made from bits of Biblical passages and images strung together. Some were stones with writing on them. Some were small glass jars filled with leaves.

 

An ordinary person could not understand these talismans.

 

Pagsubok

Noong 1840 si Puli ay humingi muli ng opisyal na basbas ng Simbahang Katolika para sa Cofradia. Siya ay nabigo at ipinatalsik pa sa Ospital. Dahil dito, si Puli ay napilitan magtago na parang kriminal. Siya ay lumisan ng Maynila at tumawid ng lawa ng Bay makabalik lang sa kanyang mga kasama.

 

Nagsimula ang mga pagsubok ng mga taga-Cofradia. Dalawang beses pinasukan ang kanilang pagpupulong at marami ang naaresto. Palipat-lipat ang pook na kanilang pinagpupulungan: mula sa Lukban sila ay napapad sa Majayjay, pagkatapos ay sa Isabang sa Tayabas at sa huli ay sa Alitao.

 

Nagkaroon pa nang malaking lakaran upang ang ilang mga kasapi ay mailigtas sa mga kamay ng mga may kapangyarihan. Dahil batid nila na ang mga kalaban ay nakamanman sa Majayjay at Lukban, si Puli at ang kanyang mga kasama ay napilitang umikot pa sa San Pablo, sa Tiaong, at sa Sariaya upang marating ang kanilang himpilan sa Banahaw.

 

At nagkaroon ng mga matinding labanan kung saan ang mga kasapi ay tinulungan pa ng mga Aeta. Ang unang labanan ay sa Isabang. Naging matagumpay dito ang mga taga-Cofradia. Ang ikalawang labanan naman ay sa Alitao. Mapait ang naging kalabasan para sa samahan. Marami ang nasugatan, marami ang namatay. Umasa kaya sila sa tulong ng mga santo at anghel sa digmaan? Umasa kaya sila sa bisa ng kanilang mga anting-anting?

Pagkatapos masawi ang kanyang Cofradia, si Puli ay nabihag sa Sariaya sa kataksilan ng ilan sa kanyang mga kapisan. Siya ay kinaladkad patungong Tayabas at dito ay nilitis. Siya ay pinatay nuong ika 4 ng Nobyembre, 1841.

 

Hindi niya na natapos ang kanyang ika-tatlong dekada.

 

Trials

In 1840, Puli once more asked for official recognition by the Catholic Church of the Cofradia. He was denied. He was even fired from his job and forced to hide like a criminal.

 

So the travails of the Cofradia began. The organization had to move from Lukban to Majayjay, and then to Isabang in Tayabas, and then to Alitao.

 

There was even a great march which passed thru San Pablo, Tiaong and Sariaya. They avoided Majayjay and Lukban knowing that their enemies were keeping watch there.

 

Then there were the battles where the Cofradia were aided by the Aetas. The first was in Isabang. Here the members were victorious.

 

The second was in Alitao where the Cofradia was defeated and many died or were wounded. During the battle, did they hope for the help of the saints and the angels? Did they have faith in the power of the talismans?

 

After the Cofradia’s defeat, Puli was captured in Sariaya, betrayed by his co-members. He was then taken to Tayabas where he was tried. He was executed on November 4, 1841.

 

He has not yet completed his third decade.

 

Pagyakap sa Liwanag

Ayon kay Puli kailangan maging buo ang loob sa pag-alay ng sariling buhay. Dapat ay ihanda ang sarili sa pamamagitan ng dasal at paglinis ng pagkatao. Hindi dapat makinig sa mga batikos na mga nagnanais pigilan ang pinakalayunin kahit na ang mga pumipigil ay mga mismong kamag-anak.

 

Sa ganitong paraan makakamtan ang naghihintay na bagong buhay sa liwanag kung saan wala nang sakit, wala nang kagutuman, wala nang kakulangan. Kahit ang mga sugat sa katawan ay lahat mapapanaw. Lahat ay magiging bagong tao.

 

Marahil, dahil alam nina Puli na malapit na ang kanilang matagal na inaasahang liwanag naging tahimik sila habang tinatanong sila ng mga otoridad pagtapos sila ay mabihag. Ang tanging dahilan na binigay nila sa kanilang pag-alsa: nais nila magdasal.

At habang unti-unting binabawi ang buhay sa mga katawan nina Puli, may na aalala ba silang isang luhaan na mukha na singbusilak ng garing? Kumikinang-kinang ba ang mga palamuti sa mga andas na kanilang hinahabol? Natutuwa ba sila sa lumalapit na liwanag?

 

Pagkatapos pinatay ng mga Kastila si Puli, siya ay kanilang pinugutan. Tinadtad ang kanyang katawan. Ang kanyang ulo ay isinisid sa isang hawla at isinabit sa harap ng bahay ng kanyang ina sa Lukban. Ang ilang bahagi ng kanyang katawan ay tinungtung na parang karne sa mga haligi ng Tayabas sa tabi ng mga daan patungong ibang bayan.

Sa ginawa ng mga Kastila, sa halip na mayurakan ang kanilang tinuturing na erehe, lalo nilang pinatingkad ang alaala ni Puli. Sa pagtadtad ng kanyang katawan at pagtapon ng mga bahagi nito sa ibat-ibang bayan sa kandungan ng Banahaw, lalong na nabigyan diin na hindi lang isa ang lugar ni Puli. Saklaw ng kanyang pagiging bayani ang puso ng buong bansa.

 

Embracing the Light

According to Puli, it was essential to be firmly resolved to offer up one’s life. One must prepare oneself thru prayers and penance. One should not be deterred by others, not even by one’s family. This way one would grasp the waiting glory where there will be no pain, no hunger, no deficiencies. Even the scars and wounds on one’s body will be erased.

 

Perhaps, since they knew that what they had longed for was approaching, the Cofradia members all fell silent while being interrogated. The only reason they gave for their uprising: they wanted to pray.

 

As life was ebbing from their bodies, did they remember a tearful face as pure as ivory? Were the decorations on the floats that they had chased as boys sparkling in the sun? Did they see the brightness that was approaching?

 

Instead of grinding Puli’s memory underfoot, the Spaniards, by what they did made his story shine brighter. By cutting up his body and scattering the parts to different towns in the lap of Banahaw they emphasized that Puli did not belong to only one place.

 

Puli’s heroism belonged to a whole nation.

 

Pagpapatuloy

Hindi pa rin nagkakaisa ang mga pantas hinggil sa lawak nang naging impluwensa ni Puli. Mayroon ding nagtatanong hinggil sa pagkabayani nito. Hindi raw matiyak kung bakit siya lumaban.

 

Ang matitiyak ay siya ang naging sanhi sa pag-aklas ng Rehimentong Tayabas nuong 1843. Sanhi rin siya ng mga grupong umiral sa Banahaw nuong mga 1870. Di pa rin maliwanag kung naging inspirasyon siya nina Rizal, ng Katipunan, at ng iba pang grupo tulad ng Lapiang Malaya.

 

Ang malinaw ay hanggang ngayon, marami pa rin ang nagsasariwa sa buhay at alay ni Apolinario de la Cruz at ng kanyang Cofradia.

 

Ang malinaw ay hanggang ngayon naaalala pa rin siya at ang kanyang mga kasama sa mga batis at yungib ng Banahaw na patuloy pa ring tinuturing na mga banal na pook.

At ang malinaw ay na ang lahat na nabanggit dito ay isa lamang ang pinag-uugatan: ang daigdig na niyakap ni Hermano Puli.

 

Continuations

Scholars cannot yet agree on how wide was the influence of Puli. Some even maintain that the motives for his uprising were not clear.

 

What is certain is that he was the cause for the rebellion of the Tayabas Regiment in 1843. He too was the inspiration of movements on Banahaw in the 1870s. It is uncertain whether he inspired Rizal, the Katipunan, or groups like Lapiang Malaya.

 

What is clear is that there are many who still honor his memory.

 

And it is clear that he and his companions are still commemorated amidst the streams and caves of Banahaw which continue to be considered as sacred places.

 

What comes through is that all who were named above are rooted in the very same world embraced by Hermano Puli.

 

 

 

EXHIBIT SETUP IMAGES

EXHIBIT OPENING IMAGES

Back to EXHIBIT PAGE